umiinog ang mundo mo sa kalye
dito ka isinilang
nakipagbuno sa kalikasan upang kahit papaano
ang katawan mong impis ay magkalaman
naging paaralan mo ito--
natututo--tungkol sa buhay, para mabuhay
nakikipagsapalaran sa bawat sandali
kung saan ay walang katiyakan
kung kailan ka matatapos
tanging Diyos lang ang nakaka-alam
palaruan mo ang bawat lansangan
nakikipagpatintero sa mga sasakyan
humahabol sa bawat taong mapaghihingian at mapaghihingahan
upang kalam na tiyan at
sikip ng dibdib ay maibsan
habang nakikita mo ang ibang bata
akay ng kanilang magulang
alam kong itinatanong mo din,
"Pano kaya ang magkaroon ng mas mayamang magulang?"
bata!
hanggang kailan
na ang pagkain ay guni-guni na lang?
saplot sa katawan
ang bahay na inaasam
ang katreng mapaglalatagan ng hapo mong katawan
ang lapis at papel na dapat mong hawak
ay mananatiling
drowing at
kathang isip na lamang?
5 people have commented. Leave your comments too!:
wonderful post! :D Love it!
hi! reading your thoughts.
free reading anyone?
www.deariago.blogspot.com
www.pinoyromancewriter.blogspot.com
www.babyproblogger.blogspot.com
You're good. Keep them poems coming.
Hi. It's been awhile since I visited your blog.
Thanks to Rate My Philippines, I'm rediscovering it again... Wow, I really should visit often. Your writing is amazing and the photos are intense. very dramatic and says everything.
Thank you for this blog.
-mae :-)
Hi Ayel, Iago's Mom, coroner and Mae! Thanks for dropping by.
Post a Comment
Thank you for visiting and reading my blog! If you want to say something about this blog entry, please leave your comments below.
Please be informed that the author prevents spamming, thus the moderated comments. Nonetheless, your comments will be published after the author has reviewed them.
Bear in mind that your contact information will be kept confidential.
If you wish to send me private message, please follow this link:
http://ding-inkblots.blogspot.com/p/contact.html
Salamat! (Thank you!)